Sabado, Agosto 6, 2011

Panimulang Post

Bilang panimulang post sa aking blog na sa halip ay isang masayang tula, ang
aking isusulat ay isang tulang malungkot.

Ito ay isusumite ko sana sa isang palaro ng isang blog at ito'y isinumite sa akin ng aking kaibigang si Clarizza Agmaliw ngunit ako'y tinamad kaya ipopost ko na lang dito sa aking blog. Ito ay may titulong "Luhang BakasNito".

---

LUHANG BAKAS NITO

Hindi ko inaasahan ito
Pagsibol ng Pag-ibig sayo
Mabilis lang ang mga pangyayari
Mapalapit sayo'y di mawari

Lahat ng oras na pinagsamahan
Tila ba walang katapusan
Ngunit lahat ay biglang naglaho
Nang malamang ikaw ay di seryoso

Buong puso ang nararamdaman sayo
Subalit kaibigan lang pala ako
Minahal ka pa naman ng tunay
Pinaasa mo lang sa pagbaluktot ng uhay

Ngayon ako ay nahihirapan
Kung paano kita makakalimutan
Dahil sa tuwing puso ay ihihinto
Nananatili naman ang luhang bakas nito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento